Umaasa ang Commission on Human Rights (CHR) na gagamitin sa tama ng Philippine National Police (PNP) ang ibinigay sa kanilang subpoena powers upang bigyang hustisya ang mga biktima ng krimeng may kaugnayan sa war on drugs.
Ayon kay CHR Spokesperson Jacqueline de Guia, kinikilala nila ang intensyon sa pagbibigay ng kapangyarihan sa ilang opisyal ng PNP na mag-issue ng subpoena na pabilisin ang imbestigasyon sa mga criminal case.
Gayunman, nilinaw ni De Guia na hindi “unlimited” at dapat ay alinsunod lamang sa mga karapatang nakasaad sa konstitusyon, batas at rules of court ang subpoena powers ng P.N.P.
Magugunitang nilagdaan noong unang linggo ng marso ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagsasabatas ng Republic Act 10973 na nag-o-otorisa sa PNP Chief, Director at Deputy Director ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group na mag-issue ng subpoena.