Suspendido muna ang pagbibigay ng travel authority sa mga locally stranded individuals (LSI)’s na patungong Negros Occidental.
Ito ang inianunsyo ng Philippine National Police (PNP), alinsunod na rin sa Joint Resolution ng Western Visayas Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) kung saan nakasaad ang pag-apruba sa pansamantalang pagsususpindi sa pag-uwi ng mga lsis at residente sa probinsya mula ika-3 hanggang ika-9 ng Oktubre.
Samantala, ipinabatid na ng Directorate for Operations sa lahat ng regional offices ng pulisya, Aviation Security Group at Maritime Group upang mapaigting ang pagpapatupad ng naturang hakbang.
Ang travel authority ay isang pangangailangan upang makaalis at magtungo sa iba’t ibang lugar sa bansa batay sa utos ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año. — sa panulat ni John Jude Alabado