Umapela ang Oriental Mindoro Provincial Hospital sa gobyerno na bigyang prayoridad sa pier at barko ang mga truck na nagsusuplay ng oxygen tank sa lalawigan.
Nagkakaubusan na kasi ng oxygen tanks sa naturang ospital at maging sa mga pribadong ospital doon.
Ayon kay Dr. Dante Nuestro, Officer In Charge ng ospital, problema din sakaling magkaroon ng bagyo dahil walang barko ang makakabiyahe.
Sa ngayon ay nasa full capacity na ang kanilang ospital dahil sa dami ng COVID-19 patients.
Bukod dito ay kinukulang na din sila sa health workers dahil maging ang mga ito ay tinamaan na rin ng virus.
Hinikayat naman ni Nuestro ang mga mamamayan na manatili na lamang sa kanilang mga bahay at sundin ang health protocols.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico