Binigyang puri ng Department of Education (DEPED) ang pamahalaan sa pagbibigay prayoridad sa sektor ng edukasyon sa pagtataas budget para sa taong 2022.
Nagpasalamat si Education Secretary Leonor Briones kay Pangulong Duterte at sa Kamara matapos gawaran ang sektor ng edukasyon ng pinakamalaking pagtaas sa 2022 budget.
Base sa anunsiyo ng palasyo, malaki ang itinaas ng budget ng education sector sa inaprubahang 2022 General Appropriations Act (GAA) na may umabot sa mahigit 700 bilyong piso.
Sinabi ng deped na mas mataas ito sa mahigit 30 bilyon piso o 4.9 percent kumpara sa budget noong nakaraang taon.