Isinusulong ni Senador Lito Lapid ang pagbibigay proteksyon sa delivery rider na biktima nang biglaang pagkansela ng mga order.
Ayon kay Lapid dapat magkaruon ng reimbursement scheme na babayaran ng buo ang perang ginastos ng delivery rider sa pagbili ng mga item sakaling kanselahin ng customer ang kaniyang inorder.
Ang reimbursement ng mga rider ay dapat gawin sa loob ng isang araw lamang mula sa kanselasyon ng order.
Sinabi ni lapid na para mabilis ang koleksyon laban sa customer na nag kansela ng order dapat maipatupad ang KYC o know your customer rules kung saan kailangang magbigay at mag verify ng proof of identity at residential address nito batay sa nakasaad sa Data Privacy Act of 2012.
Nakasaad din sa panukala ni lapid ang pagpapataw ng parusa sa customer na madalas mag kansela ng kaniyang order ng walang sapat na dahilan. —ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)