Hinimok ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior ang mga Pilipino na manatiling mapagbantay sa pagprotekta sa bansa mula sa mga isyu sa lipunan at banta sa kalayaan.
Mensahe ito ng pangulo kasabay ng selebrasyon ngayong araw ng ika-159 na kapanganakan ni Andres Bonifacio.
Sa official message ng pangulo na inilabas ng Malakanyang, nanawagan ang punong-ehekutibo na bigyang-pugay ang ating mga bayani sa pamamagitan ng pagiging masunuring mamamayan.
Pinarangalan pa ng pangulo si Bonifacio dahil sa matatapang na ideya nito, para magkaroon ng lakas na loob ang mga Pilipino noon na labanan ang mga nang-aapi tungo sa kalayaan ng bansa.
Kaninang umaga, pinangunahan ni PBBM ang wreath-laying ceremonies sa Andres Bonifacio National Monument sa Caloocan City.
Sinundan ito ng iba pang flag raising at Wreath Laying Ceremonies ay isinagawa naman sa;
- Andres Bonifacio Monument sa Tutuban, Manila
- Pinaglabanan Memorial Shrine sa San Juan City;
- Andres Bonifacio Monument sa Balintawak Cloverleaf, Quezon City;
- Andres Bonifacio Monument sa Bonifacio Global City, Taguig City; at
- NHCP Museo ng Paglilitis ni Andres Bonifacio sa Maragondon, Cavite.