Handang handa na ang Philippine National Police sa pagsisimula ng campaign period para sa national positions simula sa Martes, Pebrero 9.
Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Wilben Mayor, sapat ang ilalatag nilang seguridad partikular sa mga lugar na pagdarausan ng mga meeting de avanse ng mga kandidato at ng kanilang mga partido.
Unang maglulunsad ng kanilang kampaniya ang Partidong United Nationalist Alliance ng tambalang Binay Honasan ganap na alas 8:00 ng umaga.
Sa Capiz naman maglulunsad ng kanilang kampaniya ang tambalang Roxas – Robredo ng Partido Liberal alas 10:00 ng umaga.
Susundan naman ito ng tambalang Poe-Escudero ng partidong Galing at Puso sa plaza miranda sa Quiapo, Maynila ganap na alas 4:00 ng hapon.
Habang sa Tondo naman ilulunsad ng tambalang Duterte – Cayetano ang kanilang kampaniya ganap na alas 8:00 naman ng gabi.
Maliban sa mga lugar na pagdarausan ng kampaniya, sinabi ni Mayor na nagdagdag na rin sila ng puwersa sa mga lugar na nakatala bilang areas of immediate concern.
By: Jaymark Dagala