Muling pinakilos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng telecommunications companies na iprioritize ang pagbibigay ng serbisyo sa mga provincial capitols, city halls, municipal halls at government hospitals sa mga lugar na binayo ng Bagyong ‘Tisoy’.
Iginiit ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba ang nauna niyang direktiba sa Telco’s na tiyaking may sapat na technical at support personnel silang nakadeploy para sa provisioning o paglalagay ng fuel sa standby generators sa kani-kanilang cell sites.
Magugunitang napinsala ng husto ang mga linya ng kuryente at komunikasyon sa Guinobatan sa lalawigan ng Albay, ilang bayan sa Sorsogon, lalawigan ng Catanduanes at Mindoro dahil sa hagupit ng Bagyong ‘Tisoy’.