Tiniyak ng pamahalaan na magiging mabilis ang pagsisikap na maibalik sa normal ang buhay ng mga biktima ng bagyong Lando sa Casiguran, Aurora.
Sa pagbisita ni Pangulong Noynoy Aquino sa naturang lugar, binitbit nito ang ilang miyembro ng gabinete upang matiyak na magiging mabilis ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo.
Inihayag ni Social Welfare Development Secretary Dinky Soliman na patuloy ang pamamahagi ng relief goods sa mga typhoon victim at mayroon pang paparating sakaling kailanganin.
Sa panig naman ni Public Works and Highways Secretary Rogelio Singson na puspusan na ang kanilang pagtatrabaho katuwang ang mga local government unit upang isaayos ang mga napinsalang imprastraktura.
Samantala, tiniyak ni Energy Secretary Zenaida Monsada na patuloy ang pagtatayo ng mga poste ng kuryente na pinabagsak ng kalamidad upang maibalik sa normal ang power supply.
Sa issue naman ng agrikultura ay siniguro rin ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na bukas ay darating na ang mga hiniling na pamalit-tanim ng mga magsasaka sa Casiguran at magbibigay ang ahensya ng isandaang fiber glass motorized banca at mga repaired tools para sa mga nasirang bangka dahil sa bagyo.
By: Drew Nacino | Aileen Taliping (patrol 23)