Mahigpit na pinabulaanan ni UST o University of Santo Tomas Civil Law Dean Nilo Divina na nagbibigay siya ng komisyon o suhol kay COMELEC o Commission on Elections Chairman Andres Bautista dahil sa mga inirerekomenda nitong kliyente sa kanyang law firm na Divina Law.
Sa isang statement, binigyang diin ni Divina na dahil sa kontrobersiyang dulot ng hinihinalang tagong yaman ni Bautista na nagkakahalaga ng P1 bilyong piso, pati tuloy ang kanyang pangalan ay nadadamay.
Magugunitang isiniwalat ng misis ni Bautista na si Patricia Paz na may mga natuklasan siyang bank at real property documents at ilang passbook na nakapangalan sa COMELEC Chairman na wala sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth o SALN noong 2016.
Ibinunyag din ni Patricia na si Divina ay nag-isyu ng mga payslip at mga tseke sa kanyang mister.
By Jelbert Perdez