Ipinagpaliban ng National Board of Canvassers (NBOC) ang canvassing ng boto para sa presidential at vice-presidential candidate mula sa Pampanga at Sultan Kudarat.
Sa unang araw ng bilangan kahapon sa Kongreso, dismayado si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa nangyari.
Nang buksan ni Negros Occidental 4th District Rep. Juliet Marie De Leon ang COC mula sa Pampanga, hindi nakita ang mga dokumento.
Dahil dito, agad nagpasya ang NBOC na ipagpaliban muna ang pagbibilang ng boto sa lalawigan.
Natuloy lamang ito nang ipasa ng Pampanga via Viber ang nawawalang COC.
Samantala, kahalintulad din ng nangyari sa Pampanga ang naganap sa Sultan Kudarat matapos mawala ang kanilang COC para sa pambansang posisyon.
Agad pinatawag via Zoom ang Election officer ng Surigao del Sur na si Atty. April Joy Balanon na umamin namang naiwan sa kanilang opisina ang Manually Counted COC.
Sa ngayon, ipinadala na rin via Viber ng Sultan Kudarat ang nawawalang COC na tinanggap naman ng panel.
Agad namang binigyan ng 24- oras ng NBOC ang COMELEC Surigao upang ipadala ang orihinal na dokumento.