Ikinagulat ng unyon ng mga empleyado ng Commission on Elections ang biglaang desisyon ni Chairman Andres Bautista na magbitiw sa pwesto, epektibo sa katapusan ng taon.
Ayon sa COMELEC Employees Union, hindi sila makapaniwala sa naging hakbang ni Bautista.
Gayunman, nirerespeto anila ang desisyon ng poll body chief dahil ginawa niya ito para sa kanyang pamilya at mga anak.
Nananatili rin ang suporta ng mga empleyado kay Bautista at nagpapasalamat sa mga naging kontribusyon nito sa komisyon na kanyang pinamunuan sa loob ng mahigit dalawang taon.