Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago.
Aminado si Pangulong Duterte na nasaktan siya sa mistulang sampal sa mukhang pahayag ni Santiago na wala aksaya lamang sa pera ang pagpapatayo ng mega drug rehabilitation facility sa Nueva Ecija.
Sa halip anya na magtrabaho na lamang upang masawata ang kalakalan ng iligal na droga, mas inuna pa anya ni Santiago na batikusin ang kanyang boss.