Kinumpirma na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni dating Pangulong Fidel Ramos bilang special envoy to China.
Ginawa ni Duterte ang kumpirmasyon sa pagbisita nito sa libingan ng kanyang mga magulang sa Roman Catholic Cemetery sa Davao City kagabi.
Kasabay nito, nagpasalamat ang Pangulo sa naging serbisyo ni Ramos sa bansa sa kabila ng edad nito.
Binigyang diin naman ng Pangulo na pinakikinggan nya ang mga payo ni FVR ngunit may sarili siyang paraan para i-assess ang mga bagay.
Bago ang pagbibitiw ni Ramos, muling nitong binanatan si Pangulong Duterte dahil sa pagtanggi nitong i-ratipika ang Paris Agreement on Climate Change.
Pro-Western
Samantala, aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na magkaiba sila ng paniniwala ni dating Pangulong Fidel V. Ramos sa pakikitungo sa Amerika.
Kasunod ito ng pagbibitiw ni FVR bilang special envoy to China.
Tinawag na pro-Western ni Pangulong Duterte si Ramos na nagtapos sa Westpoint Military Academy sa Estados Unidos kumpara sa kanya na nagtapos lamang sa bansa.
Kasabay nito, muling nitong binanatan ang Amerika.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Rianne Briones