Irrevocable o hindi na mababawi ang pagre-resign ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar.
Binigyang diin ito ni Magalong matapos tanggihan ng COVID-19 Task Force ang kanyang resignation.
Una nang inihayag ng Malakanyang, na nananatili ang tiwala ng Pangulong Duterte kay magalong sa kabila ng mga batikos sa pagdalo sa birthday celebration ng eventologist na si tim yap kung saan nalabag ang COVID-19 protocols.
Una na ring inamin ni Magalong na nalabag ang health protocols sa nasabing party ni magalong dahil maraming guests ang walang suot na face mask at hindi nag physical distancing.
Sinabi ni Magalong na bilang senior officer ng task force dapat na kaagad niyang itinama ang mga mali na nasaksihan nya sa nasabing event.