Pinapurihan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang ginawang pagbibitiw ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing czar.
Ayon kay Father Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP magandang halimbawa ang ginawa ni magalong na pagpapakita sa publiko na maaaring akusin ng mga opisyal ng gobyerno ang kanilang pagkakamali.
Pagpapatunay aniya ng naging desisyon ni Magalong na hindi lahat ng lider ay takot harapin ang kanilang kasalanan dahil ang ibang opisyal ay kapit tuko sa kanilang posisyon.
Magugunitang nuong Biyernes ay nagbitiw sa puwesto si Magalong matapos mabahiran ng kontrobersya ang pagdalo niya at ng kanyang may bahay sa engrandent birthday party ng event organizer na si Tim Yap.
Inako ni Magalong ang kanyang pagkukulang na hindi naitama ang mga paglabag na nakita sa nasabing pagtitipon kung saan maraming bisita ang walang suot na face masks at hindi na obserba ang physical distancing.