Ikinalungkot ng Malakanyang ang naging pagbibitiw sa puwesto ni Peter Laviña bilang administrador ng NIA o National Irrigation Administration.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinikilala nila ang naging katapatan ni Laviña kay Pangulong Rodrigo Duterte na isa sa mga mahigpit na taga-suporta nito noong panahon ng kampanya.
Malaya aniya si Laviña na magsalita at idepensa ang kaniyang sarili mula sa mga bahid ng akusasyong ibinibintang laban sa kaniya.
Sa huli, binigyang diin ni Abella na malinaw naman sa lahat na walang puwang sa kasalukuyang administrasyon ang mga kawani at opisyal ng gubyerno na nasasangkot sa katiwalian.
By Jaymark Dagala | With Report from Aileen Taliping