Hindi kailangan ng Pilipinas ang isang komedyanteng pinuno ng pambansang pulisya
Ito ang binigyang diin ni House Speaker Pantaleon Alvarez nang muli nitong igiit ang pagbibitiw ni PNP Chief Ronald bato Dela Rosa
Ayon kay Alvarez, dapat mataas ang respeto ng mga pulis sa kanilang pinuno at hindi ito dapat mahilig sa mga publicity
Tiwala si Alvarez na marami pang mga opisyal ng PNP ang karapat-dapat na mabigyan ng pagkakataon para pamunuan ang kanilang organisasyon
Walang personalan, trabaho lang – House Speaker Alvarez
Nilinaw ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi niya pinepersonal si Pnp Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa
Kasunod ito ng panawagan ni Alvarez na magbitiw sa puwesto si Dela Rosa kasunod ng nangyaring pagpatay sa negosyanteng koreano na si Jee Ick Joo sa loob mismo ng Kampo Crame
Ayon kay Alvarez, kaibigan niya si Bato ngunit dapat aniya na maging seryoso si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpili ng isang PNP Chief na tunay na magpapatupad ng mga pagbabago sa nasabing hanay
Una nang inihayag ni Bato na handa siyang magbitiw sa puwesto sakaling sabihan siya ni Pangulong Duterte na gawin iyon
By: Jaymark Dagala