Masaklap para sa Makati Business Club ang biglaang pagbibitiw sa pwesto ni Department of Trade and Industry Secretary Gregory Domingo.
Ayon sa MBC, nasa kritikal na sitwasyon ang pamahalaan dahil nasa kalagitnaan tayo ngayon ng paghahanda para maging host ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leader’s meeting sa Nobyembre.
Umaasa ang MBC na may integridad at sapat na kakayahan ang papalit kay Domingo.
Matatandaang noong Sabado, kinumpirma ng Malakanyang ang paghahain ng resignation ni Domingo sa pangulo.
Pero nilinaw ng Malakanyang na under consideration pa rin ang naturang pagbibitiw ni Domingo.
By: Ralph Obina