Tinanggap na ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagbibitiw sa kanyang gabinete ni Vice President Jejomar Binay.
Ito, ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma, ay makaraang matanggap ni Pangulo Aquino resignation letter ni Binay.
Iniabot aniya ni Executive Secretary Paquito Ochoa ang kopya ng resignation sa Pangulo matapos nitong kumpirmahin kay Binay ang pagbibitiw nito.
Nakatakda aniyang i-formalize ni Ochoa ang pagtanggap ng Punong Ehekutibo sa pagbibitiw ng Pangalawang Pangulo.
Si Binay ang nagsilbing Presidential Adviser for OFW Affairs at Housing and Urban Development Coordinating Council Chairman ng Aquino administration.
VP Binay resigns
Nagbitiw na sa gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino si Vice President Jejomar Binay.
Ayon kay Joey Salgado, Head ng Office of the Vice President Media Affairs, mismong si Makati Representative Abigail Binay, anak ng Pangalawang Pangulo ang nagdala sa Malacañang ng resignation letter ng kanyang ama, kahapon.
Mag-aalas-4:00 ng hapon nang magtungo ng nakababatang Binay sa palasyo kasama si Undersecretary Benjamin Martinez Jr., Chief of Staff ng Vice President at iniabot ang kopya kay Executive Secretary Paquito Ochoa.
Inihayag naman ni Salgado na irrevocable at “effective immediately” ang pagbibitiw ni Vice President Binay.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23) | Kevyn Reyes