Tinukoy ng Pulse Asia ang posibleng dahilan ng pagbaba ng trust ratings ni Vice President Leni Robredo.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Ana Marie Tabunda, Research Director ng Pulse Asia na marahil ito’y bunsod ng pagbibitiw ni Robredo bilang chairman ng HUDCC o Housing and Urban Development Coordinating Council.
Ayon pa kay Tabunda, posibleng pumanig ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa desisyon nito na huwag nang padaluhin sa cabinet meetings si Robredo.
Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia mula December 6 hanggang 11, 2016 sa may 1,200 respondents, bumaba ng pitong puntos o naging 58 percent mula sa dating 65 percent ang trust ratings ng Bise Presidente.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Ana Marie Tabunda
Nagbigay naman ng payo si Tabunda sa kampo ni Robredo para makabawi sa mga susunod na survey.
Bahagi ng pahayag ni Ms. Ana Marie Tabunda
By Meann Tanbio | Ratsada Balita