Nakasalalay kay Pangulong Rodrigo Duterte kung tatanggapin o hindi ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio.
Ayon kay Rio, nagpasya syang magbitiw sa puwesto upang makausap ang pangulo hinggil sa anya’y hindi tamang nangyayari sa DICT.
Aminado si Rio na hindi maganda ang kanyang working relationship sa mga undersecretaries at assistant secretaries na binitbit sa ahensya ni DICT Secretary Gregorio Honasan.
Ang punto rito ay, kung ako ay amgsusumbong lang, syempre sasabihin ng tao –‘ay gusto niya lang makuha ulit ang pwesto niyan’, ‘di ba? So, ‘yun ang iniiwasan ko. SO, nagpasya ako na magresign nalang dahil ‘yung working condition sa DICT ay talagang iba na. ‘Yung mga aking –or naumpisahan ng mga programs, mga targets, umiba na talaga,” ani Rio.
Ayon kay Rio, sinubukan nyang magsabi kay Honasan hinggil sa problema nya sa mga undersecretaries at assistant secretaries nito.
Gayunman, sinabihan anya sya ng kalihim na sana ay huwag silang dumating sa punto na kailangan nyang mamili.
Dahil dito, sinabi ni Rio na nagpasya na lang syang umalis upang hindi na mahirapang mamili si Honasan.
Kino-complain ko na sa kanya, hindi na talaga ko makapagtrabaho with some of the usec that you brought in, e sabi niya, ‘wag mo sana akong papiliin between them and you’, ibig sabihin niyan na para hindi na siya mahirapan, ako na ang nagresign,” ani Rio. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas