Tinutulan ng mga kongresista ang pagbibitiw sa pwesto ni House Speaker Alan Peter Cayetano.
Sa kaniyang manifestation, inihayag ni anakalusugan Rep. Mike Defensor ang kaniyang pagtutol sa pagbibitiw ni Cayetano bilang pinuno ng Kamara.
Sinegundahan naman ito ni Bulacan Rep. Jonathan Alvarado at wala namang tumutol sa tanong ni Deputy Speaker Raneo Abu kung mayroong hindi pabor sa manifestation ni Defensor.
Ngunit hiniling pa rin ni Defensor na magkaroon ng nominal voting kung saan nagkaroon ng resulta na 184 yes, 1 no at 9 abstain.