Ang pagbibitiw sa tungkulin ang pinaka disenteng magagawa ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Ayon ito kay Senador Panfilo Lacson sa gitna ng sitwasyon at kontrobersyang kinakaharap ng COMELEC Chief.
Sinabi ni Lacson na sa pagbaba ni Bautista sa puwesto mapagtutuunan na nito ng pansin ang kaniyang personal at domestic problems.
Maiiwasan din aniyang makasagabal sa paggampan ng tungkulin ang mga problema at kontrobersya na kinakaharap ni Bautista ngayong nag resign na ito.
Samantala binigyang diin naman ni Senate Majority Floorleader Vicente Sotto the Third na maaaring hindi na ma focus kay Bautista ang imbestigasyon ng Senate Committee on Banks kung wala na ito sa puwesto.