Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inihaing resignation letter ni dating MMDA Chairman Benhur Abalos.
Ayon kay acting presidential spokesman at cabinet secretary Karlo Nograles, puno ng dedikasyon at propesyunalismo ang naging serbisyo ni Abalos sa MMDA sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Nagpasalamat naman ang palasyo sa mga mahahalagang nagawa ng dating MMDA chief, partikular na sa mga panahong humaharap sa matinding hamon ang bansa dahil sa COVID-19 pandemic.
Napakahalaga anya ng naging papel ni Abalos nang magpalit ng alert level system ang bansa na unang sinimulan sa Metro Manila.
Noong Lunes ay nagbitiw sa pwesto ang dating m.m.d.a.chairman upang maging campaign manager ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)