Tila binuwag na ng Kamara ng CHR o Commission on Human Rights na isang banta sa demokrasya sa harap ng mga nangyayaring patayan sa ilalim ng war on drugs.
Ito ang reaksyon ni Vice President Leni Robredo makaraang bigyan ng Isanlibong Pisong budget ng mababang kapulungan ang CHR dahil sa umano’y pagkakaroon nito ng double standards sa mga nangyayaring patayan.
Binigyang diin ng Bise Presidente, mahalaga ang ginagampanang papel ng CHR upang labanan ang anumang pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan at para ibalik ang dangal at dignidad ng bawat Pilipino.
Samantala, ibinunyag ni CHR Commissioner Gwen Pimentel – Gana na hiningi umano ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang pagbibitiw ni CHR Chair Chito Gascon kapalit ng budget ng ahensya.
Pero nanindigan si Gascon na hindi siya magbibitiw at hindi siya yuyukod sa mga taong nais tanggalan ng karapatan ang bawat Pilipino.
SMW: RPE