Nanawagan ang Department of Agriculture (DA) sa buong industriya ng pagmamanukan na iwasang ibiyahe ang mga alagang manok.
Ito’y upang maiwasan ang pagkalat sa bansa ng isang peste na kung tawagin ay newcastle disease.
Ayon kay Agriculture Undersecretary Jose Reaño, bagama’t matagal na itong sakit ng mga manok lumalabas naman ito sa tuwing nagbabago ang temperatura o panahon.
Karaniwan aniyang tinatamaan ng nasabing sakit ay ang mga manok na walang bakuna o di kaya’y hindi naging epektibo ang ginawang bakuna sa mga ito.
Batay sa kanilang monitoring, may naitala nang kaso ng newcastle diseas sa mga lalawigan ng Tarlac, Zambales, Pampanga, Bulacan, Pangasinan, Laguna, Quezon gayundin sa Quezon City sa Metro Manila.
By Jaymark Dagala | Monchet Laranio