Kontra si Supreme Court Spokesman Atty. Theodore Te sa plano ng UP Board of Regents na pagkalooban ng Honorary Doctorate Degree ang Pangulong Rodrigo Duterte.
Inamin ni Te na na-offend siya sa nasabing planong pagkilala kay Duterte na aniya’y nagsulong pa ng impunity at nagpahina sa Rule of Law sa bansa.
Sinabi ni Te na kino-kontra niya ang naturang plano ng UP Board of Regents sa kaniyang personal na kapasidad bilang UP Alunus, dating faculty member, dating Vice President for Legal Affairs, taxpayer at bilang Pilipino.
Hindi rin sang ayon si Te sa pag-depensa ni Board of Regents Member Frederick Mikhail Farolan na bahagi na ng tradisyon ng Unibersidad ang pagbibigay ng Honorary Doctor of Laws sa Pangulo ng bansa, Senate President at Chief Justice.
By Judith Larino