Iminungkahi ni Senate Minority leader Ralph Recto kay Pangulong Rodrigo Duterte na pagkalooban ng parole o pardon ang mga bilanggo na sobra ng matanda at may mga mabibigat na karamdaman, lalo na ang mga hindi nahatulang guilty sa karumal dumal na krimen.
Ito’y bilang solusyon sa mas lumalang pagsisiksikan ng mga preso sa iba’t ibang kulungan sa bansa.
Iginiit ni Recto na kung binabalak ng Pangulo na palayain ang mga political prisoner bilang bahagi ng confidence building measure, makabubuting palayain na rin nito ang mga bilanggo na may karamdaman at matanda na, for humanitarian reason.
Kasunod nito, isang resolusyon ang isinumite ng Senador na nagsusulong na imbestigahan ang lumalalang kondisyon sa mga bilangguan na kung saan 10.1 Billion Pesos ang nakalaang pondo ngayong taon para sa maintenance.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 19) Cely Bueno