Umapela ang National Telecommunications Commission (NTC) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na isama na ang fiber optics sa ginagawa nilang pagpapabilis ng proseso sa pagkuha ng permits.
Ito’y ayon sa NTC ay kahalintulad din naman sa Joint Memorandum Circular no. 1 series of 2020 ng binuong lupon ng mga kagawaran hinggil sa pagpapapatayo ng mga telco ng kanilang tore.
Kabilang sa mga kagawaran ay ang Department of Information and Communications (DICT_, Department of the Interior & Local Government (DILG), Department of Public Works & Highways (DPWH), Department of Human Settlements & Urban Development at ang Anti Red Tape Authority (ARTA).
Streamlining these processes is expected to significantly improve the country’s connectivity, the importance of which is felt now more than ever due the COVID-19 pandemic. A seamless integration of the fiber optic cable with wireless technologies is critical for the country’s national broadband network.” ayon sa NTC.
Katulad ng Common telco towers, sinabi ng NTC na mahalaga ang fiber optic networks sa pagbibigay ng masasandigang imprastraktura para tugunan ang pangangailangan ng bansa sa ICT.
In addition to right-of-way concerns, the number of permits and licenses, lead time and processes of rolling out these networks are similar to the applications for permits and licenses of cell towers prior to JMC No. 1 s. 2020.” saad pa sa liham ng NTC.
Sabay nang minamadali ngayon ng 2 higanteng telco na Globe at Smart ang paglatag ng kani-kanilang fiber internet sa buong bansa dahil sa tumataas na demand ngayong panahon ng pandemya.