Umapela ang National Telecommunications Commission (NTC) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na isama na ang fiber optics sa ginagawa nilang pagpapabilis ng proseso sa pagkuha ng permits.
Ayon sa NTC, ito’y dahil kahalintulad din naman sa Joint Memorandum Circular No. 1 Series of 2020 ng binuo ng lupon ng mga kagawaran hinggil sa pagpapapatayo ng mga telco ng kani-kanilang tore.
Mababatid na kabilang sa mga kagawaran ay ang Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ang Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Paliwanag ng NTC, gaya ng common telco towers, mahalaga ang fiber optic network sa para makatugon sa pangangailangan ng pagtugon ng bansa sa ICT.
Samantala, sa ngayon, ay magkasabay nang minamadali ng dalawang higanteng telco ang paglatag ng kani-kanilang mga fiber internet sa buong bansa sa gitna nang tumataas na demand ng internet connectivity ngayong may pandemya. -–ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)