Maituturing na gray area, ang petsa ng pagbilang kung kailan nagsimula ang citizenship ng isang kandidato, sa isang lugar.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, sa kaso ni Sen. Grace Poe, kailangang linawin muna kung kailan ito sisimulang bilangin, kung noong naghain siya ng kagustuhan na tumakbo sa pagka-senador, o sa araw ng eleksyon noong 2013.
“Kung ang basehan mo ay yung October 2012, lalabas na 10 years and 1 month na siya, matter of anong date ang magiging reckoning period ng kanyang residency, yung filing ng kanyang certificate of candidacy ot yung interpretation na it refers to the actual date of election on May 2013.” Ani Macalintal.
Binigyang diin ni Macalintal na bagamat hindi pa matiyak kung kailan sisimulan ang pagbibilang, sigurado naman na binitiwan na ni Poe ang iba niyang citizenship.
“Lumalabas doon na since December 2004, nung mamatay si FPJ, nanirahan na sila ng permanente dito sa Pilipinas at nung ma-appoint din siya sa MTRCB, eh syempre kailangan mag-renounce ka rin ng iyong citizenship, I don’t know kung kailan siya nag-renounce but definitely kailangan na-renounce yan, otherwise hindi din siya puwedeng tumakbo as senator.” Pahayag ni Macalintal.
By Katrina Valle | Kasangga Mo Ang Langit