Lumalabag sa international law ang patuloy na detention kay dating Pangulo Gloria Macapagal Arroyo.
Ito ang lumalabas sa naging pagsisiyasat ng United Nations Working Group on Arbitrary Detention.
Kaugnay nito, hinikayat ng 5-member UN body ang gobyerno ng Pilipinas na ikonsidera ang bail plea ni Arroyo alinsunod sa international human rights standards at bigyan ng kompensasyon ang dating Pangulo kapalit ng pagkakulong nito.
Naipadala na ang opinyon ng UN Woking Group sa mga abogado ni Arroyo sa pamamagitan ng email ng international human rights lawyer na si Amal Alamuddin Clooney.
Si Clooney ang siyang nanghain ng human rights violation case ni Arroyo sa laban sa gobyerno ng Pilipinas sa UN
By Rianne Briones