Natigil ang proseso ng pagbili ng Philippine Navy ng dalawa pang strategic sealift vessels dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito ang inihayag ni Navy public affairs office chief, Lt. Commander Maria Christina Roxas matapos hingan ng update hinggil sa bidding process ng proyekto.
Batay aniya sa proseso, kapag may napili nang bidder ay padadalhan ito ng Notice of Award (NOA) at maglalabas sila ng Notice to Proceed (NTP).
Ang dalawang bibilhing barko ay magsisilbing reinforcements ng BRP Tarlac (LD-601) at BRP Davao del Sur (LD-602).