Kinansela na ng gobyerno ang pagbili ng 500,000 piraso ng personal protective equipment (PPE) na gagastusan ng P727 million.
Ito ayon kay Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao ay dahil sa overpricing at delayed delivery.
Sinabi sa Senate hearing ni Lao na hindi na nila itinuloy ang pagbili ng PPE matapos mabatid mismo sa Securities and Exchange Commission na isa sa mga stockholder o kasosyo ng ferjan health link ay sole proprietor ng Feran Health Link Enterprises na blacklisted SA DBM.
Ang bawat set ng PPE ng Ferjan ay nagkakahalaga ng 1, 455.
Tiniyak naman ni Lao na walang pondongnawala sa gobyerno dahil hindi pa sila nagbigay ng advance na bayad o downpayment sa Ferjan.
Ikinatuwa naman ni Senate Minority Floorleader Franklin Drilon ang hakbang ng dbm matapos unang ibunyag at kuwestyunin ang pagbili ng ahensya ng mga gamit pantugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic na overpriced. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)