Pinadali na ng PAGIBIG Fund ang pagbili ng bahay para sa mga miyembro nito.
Ito’y makaraang ibaba ng PAGIBIG ang 3 year interest rates sa 6.3 percent mula sa 6.5 percent para sa housing loan.
Para naman sa mga miyembrong may kakayahang magbayad ng 25 percent equity o higit pa sa housing loan ay bababa ang interes sa 5.3 percent mula sa dating 5.5 percent.
Ayon kay PAGIBIG Fund President at C.E.O. Acmad Moti, kahit ang fire and allied perils insurance ay ibinaba sa 1,600 Pesos mula sa kasalukuyang 4,000 Pesos.
Dahil dito, inaasahan na anya nila na mas maraming PAGIBIG Member ang uutang sa ahensya.
RPE