Ipinapaubaya na ng ilang mga negosyante o pribadong sektor sa gobyerno ang pagbili ng new generation o bivalent vaccines laban sa Covid-19.
Ayon kay Joey Concepcion, CEO ng RFM Corporation, mas makakabuti kung ang gobyerno na lamang ang mangangasiwa sa mga kailangang bakuna para mas mabilis ang proseso ng pagbili sa ibang bansa.
Handang tumulong aniya ang pribadong sektor sa proseso ng kanilang mga manggagawa.
Bibili na umano ang gobyerno ng bivalent vaccine sa unang quarter ng susunod na taon. —sa panulat ni Jenn Patrolla