May sapat na pondo sa ilalim ng 2017 budget na maaaring gamitin para ipambili ng body camera para sa mga pulis.
Ito ang inihayag ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto makaraang ibasura ang suhestyun ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamiting pambili ng body camera para sa mga pulis ang mahigit 600 Milyong Pisong budget ng Commission on Human Rights.
Iginiit ni Recto na hindi kailangang i-rechannel o i-realign ang budget ng C.H.R. para ipambaili ng body camera dahil may available na pondo sa ilalim ng kasalukuyang pambansang budget.
Sa ngayon anya ay mayroon pang 3.7 Billion Pesos mula sa 5.36 Billion Pesos na inilaan para sa police modernization program sa ilalim ng 2017 national budget.
Maaari ring gamitin ang 5.5 Billion Peso contingency fund na karaniwang ginagamit sa mga hindi inaasahang gastusin kaya’t hindi totoong walang pambili ng body camera at dash cam sa mga sasakyan ang mga pulis.
Ulat ni Cely Ortega-Bueno
SMW: RPE