Ikinagalit ni Dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, ang pagbili ng bulletproof at luxury cars ng Philippine Coast Guard na nagkakahalaga ng halos P 8-M.
Matatandaang nagkakahalaga ng P 5 – M ang luxury vehicle na binili ng ahensya habang P 2.8 – M naman ang halaga ng biniling bulletproof na sasakyan.
Ayon sa dating opisyal, dapat mas inunang bilhin ng PCG ang mga sasakyang pandagat, na mas kailangan sa mga operasyon at pagpapatrolya sa karagatan.
Sinabi ni Atty. Roque, na mas mainam ang pagbili ng water transport na reresponde at magtatanggol sa mga pilipinong mangingisda na madalas inaabuso sa karagatan ng mga chinese vessel.
Binigyang diin pa ni Atty. Roque, na walang dahilan para bumili ng ganitong uri ng mga sasakyan ang PCG dahil hindi naman sa EDSA ang mga ito nakikipag-bakbakan kundi sa karagatan.
Una nang inihayag ng PCG na ang biniling bulletproof at luxury vehicle ay para sa kaligtasan ng kanilang commandant kung saan, sinasabing ang pondong ginamit ay rebates ng isang oil company.