Pinakukunsidera ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. sa gobyerno ang pagbili ng Russian made COVID-19 vaccine na Sputnik V.
Sinabi ni Locsin na mas madaling bumuli ng Sputnik V sa Russia lalo pa’t malapit na kaibigan ng Pangulong Rodrigo Duterte si Russian President Vladimir Putin.
Ang Sputnik V ay nasa 91. 6% ang pagiging safe at effective at lumalabas sa pagsusuri na wala itong masyadong serious adverse effect.