Dapat ipasa sa mamamayang Pilipino ang pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.
Ito ang sinabi ni outgoing Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion dahil sa agarang pagtigil ng mga Pilipino sa pagpapabakuna.
Paliwanag niya na nasisira lamang kasi ang mga binibiling bakuna ng pamahalaan.
Aniya, dapat mag-apply ng Certificate of Product Registration (CPR) ang mga vaccine manufacturers at payagan na ang publiko na mag-procure ng bakuna.
Pero maaari naman aniyang maglaan ng pondo ang gobyerno para sa mga hindi kayang bumili ng naturang bakuna.
Samantala, sinabi ni Concepcion ang pahayag para sa posibleng rekomendasyon sa papasok na bagong administrasyon.