Naniniwala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na walang magiging epekto sa driver-partners ng Grab ang pagbili sa Uber.
Ito’y matapos ibenta ng Uber ang kanilang ride sharing operations sa Southeast Asia kabilang sa Pilipinas sa karibal nilang transport network company.
Ayon kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, magkakaroon lamang ng iisang supply base ang nagsamang transport network corporations.
Hindi rin umano magbabago ang bilang ng mga tumatangkilik sa tnvs
Kaugnay nito, nag-abiso na ang Uber at Grab Philippines sa kanilang user hinggil sa pagkumpleto ng pagsasanib nila sa Abril 8.
Ibig sabihin ay hindi na magagamit ang Uber application sa pag-bo-book ng rides simula Abril 9.
Nagsimula sa Singapore ang operasyon ng Grab hanggang sa magkaroon na rin ng operasyon sa Malaysia, Pilipinas, Thailand, Vietnam, Cambodia at Myanmar noong 2012.
—-