Umapela ang militar na huwag haluan ng pulitika ang pagbili ng Armed Forces of the Philippines o AFP ng helicopters sa Canada.
Kasunod ito ng kautusan ng Canadian government na ipa-review ang 233 million dollar chopper deal dahil sa pangambang gamitin ang mga ito sa pag-atake sa mga New People’s Army o NPA sa bansa.
Ayon kay AFP Deputy Chief for Plans and Program Major General Restituto Padilla, batid ng Canada kung saan ginagamit ang Bell 412 helicopters o combat utility helicopters dahil ito rin ang mga ginamit nilang pantugon noon sa pag-responde sa bagyong Yolanda.
Wala naman aniyang armas ang bibilhing helicopters sa Canada at limitado lamang ang gamit nito sa paghahatid ng mga supply at sundalo gayundin bilang pang responde sa mga sakuna o kalamidad.
(Ulat ni Jonathan Andal)