Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture ang pagbili ng karagdagang bakuna para sa mga breeder at grower.
Layon nito na mapalakas pa ang industriya ng baboy sa pilipinas at bilang bahagi na rin ng mas malawak na kampanya laban sa African Swine Fever.
Binigyang diin ni Agriculture Assistant sec. Dante Palabrica na malaki ang naging epekto ng ASF, partikular sa mga malalaking kumpanya at backyard farms.
Naglaan ang ahensya ng tatlundaang milyong piso para sa pagbili ng 600,000 na bakuna.
Handa rin ang D.A. Na humanap ng karagdagang pondo sakaling mapatunayang epektibo ang bakuna sa ASF.