Labag sa Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act ang pagbili ng Korte Suprema sa luxury vehicle ng pinatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ang nakasaad sa apat na pahinang memorandum na ipinadala ng Commission on Audit sa tanggapan ni Acting Chief Justice Antonio Carpio.
Ayon sa C.O.A., ang pagbili sa Toyota Land Cruiser na nagkakahalaga ng 5.1 Million Pesos ay taliwas sa itinatakda ng Internal Rules and Regulations ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act.
Ipinaliwanag ng ahensya na ang presyo ng S.U.V. ang ginamit na batayan sa Approved Budget for the Contract nang walang market analysis para matukoy kung ito ang pinaka-paborable sa Supreme Court ay labag din sa revised I.R.R. ng RA 9184.
Dahil dito ay napagkaitan umano ang iba pang supplier na makasali sa bidding.