Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na bumili ng mga produktong gawang lokal.
Ito, ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, ay para makabangon ang ekonomiya ng bansa.
Tinukoy ni Castelo ang pagbili ng mga produktong de lata na gawang lokal para mapalakas ang negosyo ng mga manufacturer.
Mahalaga aniya ang pagbili ng local products lalo ngayong Christmas season.