Dinepensahan ni Supreme Court Associate Justice Mariano Del Castillo ang pagbili ng mamahaling sasakyan ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ipinaliwanag ni Del Castillo na na-a-ayon sa batas ang pagbili ng luxury o armored vehicle partikular ang Toyota land cruiser ng punong mahistrado.
Bagaman nakasaad anya sa isang Administrative Order na ipinagbabawal sa isang government official ang pagbili ng mamahaling sasakyan, exempted naman ang limang pinakamataas na opisyal ng bansa sa nasabing kautusan.
Pinapayagan ang Pangulo, Pangalawang Pangulo, Chief Justice, Senate President at House Speaker na bumili o magkaroon ng luxury o armored vehicle para sa kanilang seguridad.
Nilinaw din ni Del Castillo na bago binili ni Sereno ang land cruiser ay dalawang taon na itong nasa budget ng Korte at mapupunta naman sa Supreme Court ang sasakyan matapos ang termino ng Chief Justice.