Hindi umano sapat ang hakbang ng National Food Authority (NFA) na pagbili ng mga bagsak presyo na bigas mula sa mga lokal na magsasaka.
Tinawag na “unsustainable” ni Sablayan Occidental Mindoro Vice Mayor Walter Marquez ang naturang hakbang ng ahensya.
Aniya, kailangan ng mas malaking suporta at ayuda para sa mga lokal na magsasaka sa bansa.
Nanawagan din si Marquez kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansamantalang suspendihin ang rice tarrification law.
Matatandaang bumaba sa halos 7 kada kilo ang presyo ng bigas mula sa mga lokal na magsasaka na isinisisi ng karamihan sa naturang batas.