Inihahanda na ng pamahalaan ang pagbili ng mga bakuna na gagamitin bilang booster shot kontra COVID-19.
Ito’y ayon kay National Task Force COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez ay sakaling payagan na ito ng vaccine experts.
Ayon kay Galvez, patuloy pa ang ginagawang mga pag-aaral tungkol dito kaya’t hinihintay pa nila ang magiging rekumendasyon ng mga eksperto.
Tiniyak ni Galvez na unang makikinabang sa mga bibilhing booster shots ay ang mga nasa A-1 priority group o health workers.
Nasa P45 bilyon aniya ang nakalaang pondo para sa pagbili ng booster shots kaya’t asahang aarangkada agad ito sa sandaling makapaglabas na ng go signal.