Kinansela ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang pagbili ng mga chopper sa Russia.
Kasunod ito ng banta ng America na kanilang papatawan ng sanction ang mga bansang makikipagtransaksiyon sa Russia.
Matatandaang una nang kinansela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbili ng mga chopper kung saan, inaasahan parin hanggang sa ngayon, na maibalik ang kahit kalahati sa naging downpayment ng Pilipinas.
Ayon sa punong ehekutibo, hindi na itutuloy ng kaniyang administrasyon ang pagbili ng transport helicopters kung saan, kanilang susundin ang naunang desisyon ng nakaraang administrasyon patungkol sa chopper deal.
Siniguro naman ng pangulo na mayroong alternatibong suplay na papalit sa nakanselang pagbili ng mga chopper na magmumula sa Estados Unidos.